Posts

Ikaw at Ako

Hindi ko alam kung mahal mo talaga ako, Kasi kung papipiliin ka?Mas pipiliin mong iwanan ako Iwanan ako sa pinakamadilim na bahagi ng mundo, Sa mundong walang kasiguraduhan kung meron bang ikaw at ako. Ang katagang ikaw at ako Ay para ring katagang walang tayo, Tayo na matagal ng naglaho Naglaho na parang abo. May itatanong lang sana ako Ni minsan ba ay minahal mo'ko? O ako ay nilinlang mo lang at niloko? Niloko sa mga salitang minsan ng bumihag saking puso. Lalaban pa sana ako Pero wala nga palang tayo, Wala nga palang ikaw at ako.